Wednesday, March 24, 2010

LP- Plastik (Plastic)

Happy LP sa lahat ng kasapi ng Litratong Pinoy. Huwebes na naman at ang ating tema para sa araw na ito ay plastik. Ang plastik ay mga bagay na mula sa synthetic o semisynthetic na materyal na nahuhurma. Sa ating mundong ginagalawan tayo ay napapalibutan ng mga plastic na bagay. Silipin din natin ang lahot ng ibang myembro ng LP dito.

Ang aking unang lahok ay ang bag na plastik ng aking kabiyak. Yan ang ginagamit niya kung siya ay pumupunta sa swimming pool sa isang hotel malapit sa aming lugar. Dalawang beses sa isang araw siyang nagswiswimming upang mabawasan ang kanyang timbang.


Ang mga basyo ng boteng plastik at plastik bag ang pangalawa kong lahok. Dito sa Alemanya, upang makatulong sa inang kalikasan, karamihan sa mga bote ay may pfand o deposito na tinatawag upang makolektang muli at hindi nakakalat sa mga kalye. Kung may deposito nga naman ang bote, obligado mong ibalik ito dahil sayang din ang 25 cents na deposito o 15 pesos sa pera natin.



Ang mga plastik na bagay dito ay iniipon at inilalagay sa isang dilaw na plastik. Ang mga ito ay nirerecycle upang mapakinabangang muli. May takdang petsa ang pagkolekta sa mga bagay na ito gayon din sa papel at mga basura.



At higit sa lahat ang pinakaimportanteng bote ng buhay, ang plastik feeding bottle na hawak ng aking cute na apo.

8 comments:

  1. Kami rin dito puro na recycle. Kahit na mamalengke, magdala na kami ng malaking plastic bag para hindi na babalutin.

    ReplyDelete
  2. At home, we collect our plastic bottles and when the sack is full we bring them to the junk shop to be sold.

    Happy LP, An!

    Arlene
    http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2010/03/lp-plastik-plastic.html

    ReplyDelete
  3. Mas maganda nga ang system ng waste segregation diyan sa inyo, andaming sort kasi pag nagpupunta kami kay mom-in-law ganun gawain.

    I love Müller! :D Ako naman ay ikea na supot pag madaming bitbit, pag konti ay yung bag na tela galing sa bank hihi....love your entry, di ko naisip.

    www.gmirage.com

    ReplyDelete
  4. unti-unti, natututo na rin ang mga Pinoy mag segregate ng basura. kahit sa probinsya, conscious na ang mga tao pagdating sa plastics. natauhan yata no'ng Ondoy.

    ReplyDelete
  5. Ito ang gusto kong sistema sa parteng ito ng Europa, madisiplina ang karamihan sa mga tao. Tama ka, sayang talaga ang €0,25 na deposito- 4 ang isoli, may pambili na ng 1/2 kilong kamatis :)

    Happy LP!

    Thesserie.com

    ReplyDelete
  6. nagre-recycle din kami ng mga plastic na lalagyan, nakahiwalay sa mga ibang basura (sana may deposito din dito ano? hehehe)

    Julie
    http://greenbucks.info

    ReplyDelete
  7. Dito sa amin 10cents lang pero ok na yun para lang maibalik ang mga bote. Di ko lang na ilagay sa picture ko yung mga lumang ice cube tray ko nilagyan ko nang top soil at doon ko nilagay ang mga seeds. At sa ganun pag nag sprout na sila at medyo lumaki na, pwede ko nang e-transfer sa ground oh diba recycling din yun. Thanks sa pag bisita I do appreciate it.

    ReplyDelete
  8. Sana ganyan din ang mga Pinoy dito sa PInas. Pero nakakautwa na din dahil may mga ilang probinsya na strikto na din sa paghihiwalay ng mga basura.

    Happy LP!

    http://himalayanexp.com/?p=428

    ReplyDelete