Wednesday, February 17, 2010

Litratong Pinoy- Mantsa (Stain)

Happy LP ulit sa lahat ng kasapi ng Litratong Pinoy. Ang tema natin para sa araw na ito ay mantsa/batik sa ating wika, specks/stain sa wikang Ingles at flecken sa wikang aleman. Huwag din nating kaligtaang bisitahin ang lahok ng aking mga ka-LP dito.

Kami ay nakapagpasya ng magretiro sa Pilipinas pagdating ng panahon kung kaya't kami ay nagpagawa ng munting tahanan sa ating bansa. Karamihan sa aming mga gamit ay naipadala na sa Pilipinas at ang mga naiwan dito ay pawang mga luma na. Katulad na lamang ng aming plantsahan o tinatawag din nating kabayo na may mantsa, ganon din ang aming lumang plantsa at ang stained t-shirt na pantrabaho ni Dirk kapag siyay naglilinis ng aming hardin.



May mantsa din sa aming dining table mabuti na lamang at sa plastic na nakacover napunta ang batik o spot

11 comments:

  1. Maganda talaga pag may plastic na cover kasi nahaharang nito ang mantsa.
    LP:Mantsa

    ReplyDelete
  2. Hi Antonette, malapit na pala kayong umuwi sa atin. Tiyak excited na sila sa Pinas na makapiling kayo.
    Ok lang may mantsa basta napakinabangan na.
    Happy LP!

    ReplyDelete
  3. Mainam talaga ang may takip para di masira ng mantsa ang mga gamit :)

    my LP:
    http://greenbucks.info/2010/02/18/sctex-2/

    ReplyDelete
  4. ganda ng kulay...dapat may proteksyon talaga. ito akn http://sweetcarnation.blogspot.com/2010/02/lp-batikmantsa-spotsspecks.html

    ReplyDelete
  5. Hindi talaga maiiwasan mamatsahan ang mga gamit pero mabuti na lang may at may plastic na panangga ng mga dumi.

    ReplyDelete
  6. Tama lang na lagyan ng plastic para maiwasan pa ng mga maraming mantsa!

    Sarap naman, malapit ka na mag retire sa ating bansa!

    Good luck!

    ReplyDelete
  7. di talaga maiwasan ang mantsa sa tablecloth. buti na lang may plastic.:p

    ReplyDelete
  8. The plastic as protector from stains is really a great idea. Kasi minsan merong mga stains na hindi na talaga makuha kahit anong kuskus mo. If mag bleach sira agad ang kulay ng cloth.

    Happy LP, 2nette!

    Arlene
    http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2010/02/lp-batikmantsa.html

    ReplyDelete
  9. Buti ka pa pauwi na...:D

    Di bale ng me mantsa, pwede pa!

    ReplyDelete
  10. Pag may mantsa ibig sabihin lang nagagamit so okay lang yan! :D

    ReplyDelete
  11. Congrats. Ay naku, ang mga peyborit shirts ko, mantsahin din. Tulad ng sabi ni Pinky - nagagamit - may karakter. Hahahahahah!

    http://www.ilio.ph/?p=394

    ReplyDelete